bc

Monster's Beauty (Tagalog || Completed)

book_age16+
2.7K
FOLLOW
17.4K
READ
possessive
sex
pregnant
arranged marriage
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
secrets
like
intro-logo
Blurb

(SPG)

Quiniella Valentin, ang babaeng namuhay sa isang masalimuot na pamumuhay mula sa kamay ng mga umampon sa kanya. Tatakas siya at aalukin ni Madam Natasha na pakasalan ang apo nitong si Mido Aldemejo, isang bulag at may 'di magandang karanasan sa buhay pag-ibig.

Magagawa niya bang magsinungaling kung unti-unting nahuhulog ang kanyang loob dito?

chap-preview
Free preview
Prologue ✓
Disclaimer:  Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers R-18 (Erotic Romance) All rights reserved ©Anjzel Ica 2019-2020 --- ANG MUNDO ni Quiniella ay sobrang kakaiba mula sa ordinaryong babae. Siya ay isang anak na handang gawin ang lahat para lang hindi siya mabugbog o pagsalitaan nang masasakit ng mga umampon sa kaniya. Kapag sasapit ang gabi ay kailangan niyang umalis sa bahay ng mga ito para humanap ng pera dahil kapag tuwing umaga'y dapat nasa tapat ng pintuan nila ang perang pinaghirapan niya. Hindi man siya nakapag-aral at nagkaroon ng magandang buhay na pangarap ng isang babae lalo na't ikinukulong siya ng mga kinikilala niyang mga magulang kaya't hanggang Elementarya lang ang natungtong niya at hindi na nakapagtapos. Sa tuwing pumupuslit siya’y bubugbugin suya ng mga ito at papahintuin dahil hindi nararapat daw sa kaniya ang mag-aral at dapat maging mangmang na lang siya habambuhay dahil nararapat lang sa kaniya 'yon. Tunay ngang kakaiba ang kaniyang buhay lalo na't hindi siya isinasabay sa pagkain ng kaniyang kinikilalang mga magulang, hindi siya inaalagaan sa tuwing kailangan niya o kaya't may sakit siya at hindi rin siya nasasabihan ng mga mapagmahal na salita. Kaya mo ba’ng mabuhay nang gano’n? Ano kaya’ng tawag sa trato nila para sa kaniya? Lagi siyang sa kwarto niyang maliit na kahit sinumang babae'y ayaw pumasok do'n pero para sa kaniya isa 'yong mahalagang lugar dahil nakakaramdam siya ng kalayaan do'n. Nagagawa niya ang lahat ng nais niya at tahimik. Sinisigurado niyang nakakandado ang tatlo niyang mga double locks nang mabuti dahil bubugbugin siya ng mga ito o kaya'y kukunin ang pera niya at guguluhin ang mga gamit niya. Tuwing umaga nama'y wala ang mga umampon sa kaniya at babalik sila sa pagsapit ng hapon. Kaya ang ginagawa niya'y naglilinis siya at tatapusin ang mga gawing bahay para kapag dumating sila'y hindi siya gagambalain o papaulanin ng mga masasakit na salita. Hapon na't nakarinig siya nang malakas na pagbagsak ng plorera. Napapikit siya, mukhang mainit ang kanilang mga ulo at panigurado sila'y natalo sa sugal. Sumilip siya sa gawa-gawa niyang mini telescope na nakakabit sa mga butas sa dingding para nakikita niya ang kanilang mga kilos. Nahagip ng kaniyang tingin si Malorie Sanchez, ang umampon sa kaniyang babae na nakaupo sa sofa. Sa tingin niya'y mukhang nag-uusap nang masinsinan ang dalawa. "Kailangan na talaga natin siyang maidispatsa lalo na't nakasisilaw ang offer ni Don Valdemor. Oras na maibigay natin ang nais niya'y paniguradong makakahawak tayo ng limpak-limpak na salapi at makakaalis na tayo sa pesteng lugar na ito lalo na't nakakatunog na si Minerva," asik ni Bruce, ang asawa nito na napakalaki ng katawan ngunit batugan at masama pa'ng ugali. "Hmm. . . Mukhang maganda ang plano mo na 'yan, Honey. Mautak na rin kasi ang bata na 'yon at baka may malaman pang iba. Syempre mangmang naman kaya't hinding-hindi niya 'ko mauutakan. Kailangan nating maunahan ang gagawin niya. Sige, ibebenta natin siya kay Don Valdemor kapalit ng sampung milyon," pagpapayag ni Mama Malorie ikinatuwa nito. "Mabuti naman at pumayag ka. Sabi ko naman kasi sa 'yo na brilliant ang plano ko kahit kailan pero kailangan dapat malinis at walang galos si Quiniella para hindi ibabalik sa 'tin ng Don Valdemor at hindi rin magalit." Napaluha naman siya dahil do'n habang nanginginig ang kaniyang katawan sa takot. Kailangan na talaga niyang makawala ora-mismo. Hinding-hindi siya papayag na ibenta siya nang gano'n na lang. "Magpahinga muna tayo, Honey. Napagod ako sa ginawa natin kanina." Nang nakaalis na silang dalawa't nakapasok na rin sa loob ng kanilang kwarto ay sinigurado niyang hindi na lalabas ang dalawa. Dali-daling lumabas siya sa kaniyang silid bitbit ang kaniyang gamit at nilagyan niya ng upuan ang door knob ng pintuan ng kanilang silid ng pintuan at ginawang panukod para mahirapan silang buksan 'yon. Agad niyang pinunasan ang kaniyang luha at agad na umalis sa impiyernong mundo niya. Agad siyang sumakay sa bus patungo sa ruta na tatahakin niya patungo sa pinagtatrabahuan niyang hotel bilang isang tagalinis. May mabait kasi ro' na matandang babae na si Madam Natasha na tumutulong sa kaniya para magkapera. Ang tanging ginagawa lang niya'y samahan at alagaan ito at 'yon ang ibinibigay niya sa mga umampon sa kaniya. Nang nakarating siya sa hotel ay dumiretso siya sa silid nito habang mugto ang mga mata. Tinanggap naman siya nito ngunit mas isang hiling ito na dapat niyang tuparin at handa naman niyang gawin lalo na't napakalaki ng kaniyang utang na loob at 'yon ang maging asawa ang apo nitong bulag na naloko ng kaniyang dating karelasyon at ipina-abort ang anak nilang dalawa. Gusto niyang makabawi at tutulungan niyang makabangon ang apo nito mula sa pagkalungkot hanggang sa abot ng kaniyang makakaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.5K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.7K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.6K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.2K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook